Mga Widget
Ang mga widget ay maliliit na application na direkta mong magagamit sa iyong Home
screen. Gumagana rin ang mga ito bilang mga shortcut. Halimbawa, nagbibigay-daan sa
iyo ang widget ng Panahon na makita nang direkta sa iyong Home screen ang
pangunahing impormasyon sa panahon. Ngunit kapag tinapik mo ang widget, bubukas
ang buong application na Panahon. Maaari kang mag-download ng mga karagdagang
widget mula sa Google Play™.
Upang magdagdag ng widget sa Home screen
1
I-touch at tagalan ang isang bakanteng bahagi ng iyong Home screen hanggang
sa mag-vibrate ang device, pagkatapos ay tapikin ang
Mga Widget at Apps.
2
Hanapin at tapikin ang widget na gusto mong idagdag.
Upang baguhin ang laki ng widget
1
I-touch at tagalan ang widget hanggang sa lumaki ito at mag-vibrate ang device,
pagkatapos ay i-release ang widget. Kung maaaring mabago ang laki ng widget,
halimbawa, ang widget ng Calendar, may lilitaw na na-highlight na frame at mga
dot sa pagbabago ng laki.
2
I-drag ang mga dot paloob at palabas upang paliitin o palawakin ang widget.
3
Upang makumpirma ang bagong laki ng widget, tumapik saanman sa Home
screen.
Upang ilipat ang isang widget
•
I-touch at tagalan ang widget hanggang sa lumaki ito at mag-vibrate ang device,
pagkatapos ay i-drag ito papunta sa bagong lokasyon.
Upang magtanggal ng widget
•
I-touch nang matagal ang widget hanggang sa lumaki ito at mag-vibrate ang
device, pagkatapos ay i-drag ito patungo sa .
22
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.