Pagtanggap ng mga tawag
Kung nakatanggap ka ng isang papasok na tawag kapag ang device ay naka-sleep
mode o naka-lock ang screen, bubukas ang application ng telepono sa fullscreen na
format. Kung nakatanggap ka ng isang papasok na tawag kapag ang aktibo ang screen,
ipapakita ang papasok na tawag bilang isang floating na pagpapaalam sa isang naka-
minimize na window na lumalabas sa itaas ng anumang screen na bukas. Kapag ang
nasabing pagpapaalam ay dumating, maaari mong piliing sagutin ang tawag at buksan
ang screen ng application ng telepono, o maaari mong tanggihan ang tawag at manatili
sa kasalukuyang screen.
Upang sumagot ng papasok na tawag kapag hindi aktibo ang screen
•
I-drag ang pakanan.
Upang sumagot ng papasok na tawag kapag aktibo ang screen
•
Sa floating notification na lalabas sa itaas ng screen, tapikin ang
SAGUTIN.
Sa halip na sagutin ang tawag, maaari kang pumunta sa pangunahing screen ng application
ng telepono sa pamamagitan ng pagtapik sa itaas na bahagi ng floating na window ng
notification. Gamit ang paraang ito, magkakaroon ka ng mas maraming opsyong pamahalaan
ang tawag. Halimbawa, maaari mong pagpasyahang tanggihan ang tawag sa pamamagitan
ng isang mensahe.
Upang tanggihan ang isang papasok na tawag kapag hindi aktibo ang screen
•
I-drag ang patungo sa kanan.
Upang tanggihan ang isang papasok na tawag kapag aktibo ang screen
•
Sa floating notification na lalabas sa itaas ng screen, tapikin ang
TANGGIHAN.
Sa halip na tanggihan ang tawag, maaari kang pumunta sa pangunahing screen ng
application ng telepono sa pamamagitan ng pagtapik sa itaas na bahagi ng floating na
window ng notification. Gamit ang paraang ito, magkakaroon ka ng mas maraming opsyong
pamahalaan ang tawag. Halimbawa, maaari mong pagpasyahang tanggihan ang tawag sa
pamamagitan ng isang mensahe.
Upang i-mute ang ringtone para sa isang papasok na tawag
•
Kapag natanggap mo ang tawag, pindutin ang volume key.
63
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Pagtanggi sa isang tawag gamit ang isang text message
Maaari mong tanggihan ang isang tawag gamit ang isang text message. Kapag
tinanggihan mo ang isang tawag gamit ang naturang mensahe, awtomatikong ipapadala
ang mensahe sa tumatawag at iiimbak sa pag-uusap sa contact sa Pagmemensahe.
Makakapili ka sa ilang paunang tinukoy na mensaheng available sa iyong device, o
maaari kang gumawa ng bagong mensahe. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong mga
naka-personalize na mensahe sa pamamagitan ng pag-edit sa mga paunang tinukoy na
mensahe.
Upang tanggihan ang isang tawag gamit ang isang text message
1
Kapag may dumating na papasok na tawag, i-drag ang
Tanggihan gamit ang
isang mensahe pataas.
2
Pumili ng paunang tinukoy na mensahe o tapikin ang at magsulat ng bagong
mensahe.
Upang tanggihan ang isang pangalawang tawag gamit ang isang text message
1
Kapag nakarinig ka ng paulit-ulit na mga beep habang nasa tawag, i-drag ang
Tanggihan gamit ang isang mensahe pataas.
2
Pumili ng paunang tinukoy na mensahe o tapikin ang at magsulat ng bagong
mensahe.
Upang i-edit ang text message na ginagamit upang tanggihan ang isang tawag
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tawag > Tanggihan ang tawag gamit ang
isang mensahe.
3
Tapikin ang mensaheng gusto mong i-edit, pagkatapos ay gawin ang mga
kinakailangang pagbabago.
4
Tapikin ang
OK.