Sony Xperia Z - Maraming user account

background image

Maraming user account

Sumusuporta ang iyong device ng maraming user account upang makapag-log in ang

iba't ibang user nang magkakahiwalay sa device at magamit ito. Gumagana nang

maayos ang maraming user account sa mga sitwasyon kung saan nagbabahagi ka ng

parehong device sa ibang mga tao o nagpapahiram ka ng iyong device para gamiting

sandali ng iba. Ang user na magse-setup ng device sa unang pagkakataon ang nagiging

may-ari ng device. Ang may-ari lang ang maaaring mamahala ng mga account ng iba

pang mga user. Maliban sa account ng may-ari, may dalawang magkakaibang uri ng

mga account:

Regular na User: Ang uri ng account na ito ay naaangkop para sa isang taong palaging

gumagamit ng iyong device.

Guest User: Paganahin ang opsyon na guest account para sa isang taong gustong

gamitin ang iyong device nang panandalian.

Ang ilang tampok ay maaaring available lang sa may-ari. Halimbawa, ang may-ari lang ang

maaaring pumayag sa mga pag-download mula sa mga pinagmumulang hindi Google Play™.

Tungkol sa Regular User account

Sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga Regular User account, maaari mong

payagan ang iba't ibang user na magkaroon ng iba't ibang home screen, wallpaper at

pangkalahatang setting. Makakakuha rin sila ng hiwalay na access sa mga application at

54

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

storage ng memory para sa mga file tulad ng musika at mga larawan. Maaari kang

magdagdag ng hanggang tatlong regular account sa iyong device.

Upang magdagdag ng regular na user account

1

Tiyaking naka-log in ka bilang may-ari, ibig sabihin, ang user na nag-set up sa

device sa unang pagkakataon.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Mga User > Magdagdag ng user.

4

Tapikin ang

OK. Ginawa na ang bagong account.

5

Tapikin ang

I-SET UP NGAYON. Magla-lock ang screen at lalabas sa kanang

sulok sa tuktok ang isang icon na kumakatawan sa bagong naidagdag na user.

6

I-unlock ang screen sa pamamagitan ng pag-swipe pataas.

7

Sundin ang mga tagubilin sa screen upang ma-set up ang account para sa user.

Sa mga pagkakataon kung saan gusto ng taong gumagamit sa bagong account na i-set up

ang account pero hindi siya available sa panahong iyon, maaari mong tapikin ang

HINDI

NGAYON sa hakbang 5. Kapag handa na ang user, maaari nilang piliin ang Mga User sa ilalim

ng

Mga setting at tingnan ang bagong account, na lalabas bilang Bagong user. Tapikin lang

ang account at sundin ang mga tagubilin upang tapusin ang pag-set up dito.

Maaari ka ring magdagdag ng regular na user acount mula sa status bar sa anumang screen.

I-drag lang ang status bar pababa gamit ang dalawang daliri at tapikin ang icon ng user,

pagkatapos ay tapikin ang

Magdagdag ng user.

Upang payagan ang isang regular na user na tumawag at gumamit ng SMS

1

Tiyaking naka-log in ka bilang may-ari.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Mga User.

4

Tapikin ang sa tabi ng pangalan ng nauugnay na user, pagkatapos ay i-drag

pakanan ang slider sa tabi ng

Payagan ang tawag at SMS.

Upang magtanggal ng regular na user account mula sa iyong device

1

Tiyaking naka-log in ka bilang may-ari.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Mga User.

4

Tapikin ang sa tabi ng pangalan ng user na gusto mong tanggalin, pagkatapos

ay tapikin ang

Alisin ang user > Tanggalin .

Tungkol sa account ng Bisitang User

Kung may taong gustong pansamantalang makigamit ng iyong device, maaari kang

magpagana ng isang account ng bisita para sa user na ito. Sa guest mode, magsisimula

ang iyong device bilang bagong system na may app na naka-preinstall lang. Sa

sandaling tapos nang gamitin ng iyong bisita ang iyong device, maaari mong burahin ang

session nang sa gayon ay makapagsimula nang bago ang susunod mong bisita. Naka-

pre-install ang account ng bisitang user at hindi ito maaaring tanggalin.

Upang i- set up ang account ng bisitang user

1

Tiyaking naka-log in ka bilang may-ari, ibig sabihin, ang user na nag-set up sa

device sa unang pagkakataon.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Mga User > Bisita.

4

Sundin ang mga tagubilin sa screen upang makumpleto ang pamamaraan.

Maari ka ring mag-set up ng isang account para sa bisitang user mula sa status bar sa

anumang screen. I-drag lang ang status bar pababa gamit ang dalawang daliri at tapikin ang

icon ng user, pagkatapos ay tapikin ang

Magdagdag ng bisita.

55

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang payagan ang guest user na tumawag

1

Tiyaking naka-log in ka bilang may-ari.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Mga User.

4

Tapikin ang sa tabi ng

Bisita, pagkatapos ay i-drag pakanan ang slider sa tabi

ng

Payagan ang mga tawag sa telepono.

Upang i-clear ang data ng sesyong guest

1

Tiyaking naka-log in ka sa account ng bisita.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Mga User.

4

Hanapin at tapikin ang

Alisin ang bisita.

5

Tapikin ang

Alisin.

Magagawa mo ring i-clear ang session ng bisita mula sa status bar sa anumang screen basta

naka-log in ka sa account ng bisita. I-drag lang ang status bar pababa gamit ang dalawang

daliri at tapikin ang icon ng user, pagkatapos ay tapikin ang

Alisin ang bisita.

Paglipat-lipat sa pagitan ng maraming user account

Upang lumipat sa pagitan ng maraming user account

1

Upang tingnan ang listahan ng mga user, i-drag ang status bar pababa gamit ang

dalawang daliri, pagkatapos ay tapikin ang icon ng user sa kanang itaas ng

screen.

2

Tapikin ang icon na kumakatawan sa account ng user na gusto mong lipatan.

Lumalabas ang lock screen para sa user account na iyon.

Kapag lumipat ka sa account ng bisita, tapikin ang

Magsimula sa umpisa kung gusto mong

linisin ang nakaraang sesyon o tapikin ang

Oo, magpatuloy upang ipagpatuloy ang nakaraang

sesyon.

Maaaring i-set ng bawat user ang sarili nilang lock screen. Tingnan ang

Lock ng screen

sa

pahina ng 47 .

Mga setting para sa maraming user account

May tatlong magkakaibang uri ng mga setting sa mga device na may maraming user:

Mga setting na maaaring baguhin ng sinumang user at nakakaapekto sa lahat ng user.

Ang ilang halimbawa ay ang wika, Wi-Fi®, Airplane mode, NFC at Bluetooth®.

Mga setting na nakakaapekto sa isang account lang. Ang ilang halimbawa ay ang

awtomatikong pagsi-sync ng data, lock ng screen, iba't ibang account na nadagdag at

wallpaper.

Ang ilang setting ay nakikita lang ng may-ari at nakakaapekto sa lahat ng user,

halimbawa, mga setting ng VPN.

56

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.