Paggamit ng trapiko ng data kapag bumibiyahe
Kapag bumiyahe ka sa labas ng iyong home mobile network, maaaring kailanganin
mong i-access ang Internet gamit ang trapiko ng mobile data. Sa ganitong sitwasyon,
kailangan mong i-aktibo ang data roaming sa iyong device. Inirerekomenda na tingnan
nang maaga ang mga nauugnay na singil sa paglilipat ng data.
Kung gumagamit ka ng device na may maraming user, maaaring kailanganin mong mag-login
bilang may-ari, na siya, ang pangunahing user, upang i-aktibo o ideaktibo ang data roaming.
Upang isaaktibo ang data roaming
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa > Mga mobile network.
3
I-drag pakanan ang slider sa tabi ng
Roaming ng data.
Hindi mo maaaring isaaktibo ang data roaming kapag naka-off ang mobile data.